Aktibong kaso ng COVID-19 sa Laguna, halos 700 na
Tumaas na sa halos 700 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Laguna.
Ito ay mula sa 25 lang na naitala noong December 29, 2021.
Sa pinakahuling datos ng Laguna Provincial Health Office nitong Enero 6, kabuuang 697 ang active cases ng sakit sa lalawigan.
Pinakamaraming mga aktibong kaso ay sa Calamba City na 110, sumunod ay sa San Pablo City na 86, at San Pedro at Santa Rosa na tig-85.
Sa kabuuan ay umabot sa 100,967 ang nahawahan ng virus sa Laguna.
Gayunman, nakarekober ang mahigit 97,000 habang pumanaw ang lagpas 3,000 pasyente.
Isinailalim na ang Laguna sa Alert Level 3 mula ngayong Enero 7 hanggang Enero 15 dahil sa pagtaas muli ng kaso ng COVID.
Moira Encina