Aktibong kaso ng COVID-19 sa San Juan City, halos 90 na lang
Aabot na lamang sa 89 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa San Juan City.
Batay sa pinakahuling datos ng City Health Office, bumaba sa 11 ang aktibong kaso sa San Juan City matapos gumaling ang panibagong 23 pasyente at nadagdagan ng 13 kumpirmadong COVID case.
Kabuuang 2,913 naman ang bilang ng mga nakarekober na mula sa sakit sa lungsod.
Kaugnay nito, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na pabor siya sa desisyon ni Pangulong Duterte na manatili sa GCQ ang Metro Manila mula November 1 hanggang 30.
Sa ilalim anya ng GCQ ay patuloy ang pagbaba ng mga aktibong COVID cases.
Naniniwala ang alkalde na makatutulong para lalong masugpo ang pagkalat ng virus kapag manatili sa GCQ ang NCR habang pinasisigla rin ang ekonomiya.
Moira Encina