Aktibong kaso ng COVID-19 sa Santa Rosa City, Laguna, umakyat sa mahigit 500
Lagpas na sa 500 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Santa Rosa City, Laguna.
Sa pinakahuling tala ng city government, kabuuang 542 pasyente ang ginagamot o nagpapagaling pa sa lungsod.
Katumbas ito ng 10% ng kabuuang kumpirmadong kaso sa Santa Rosa na mahigit 5,400.
Tatlo lamang ang naidagdag na bagong COVID case sa Santa Rosa nitong Mayo 9 na higit na mababa kumpara sa 73 at 88 na naitala noong May 7 at 8.
Samantala, umabot sa 34 ang bagong nakarekober mula sa sakit kaya nasa 4,760 na ang gumaling sa Santa Rosa.
May isang COVID patient naman mula sa Brgy. Malitlit ang pumanaw.
Sa kabuuan ay 125 ang pumanaw na pasyente dahil sa COVID sa lungsod.
Moira Encina