Aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City, umabot na sa 107
Umabot na sa 107 ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit sa siyudad ng Tuguegarao.
Sa 107, ay 86 ang galing sa komunidad at siyam dito ay mula sa mga nagpositibong opisyales ng barangay.
Nasa 19 naman na kaso ang naitala mula sa Healthcare workers at 2 mula sa sa mga pulis.
Dahil sa local at community transmission ng COVID-19 sa syudad, hiniling ni Governor Manuel Mamba sa Regional Inter Agency Task Force (RIATF), na isailalim ang buong Tuguegarao city sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ mula sa MGCQ.
Hinihintay na lamang ang tugon ng RIATF sa inihaing kahilingan ng Gobernador.
Sa kabuuan, umakyat na sa 586 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, habang 471 naman ang mga gumaling mula sa sakit, at anim ang nasawi.
Muli namang nananawagan sa publiko ang lokal na pamahalaan, na sumunod sa ipinaiiral na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ulat ni Nhel Ramos