Alaga ko may kuto, bakit?
Kumusta na po kayo pati na ang mga alaga ninyong hayop? Kung bakit ganito ang greetings ko ay dahil aalamin natin kung bakit kinukuto ang alaga mong hayop.
Napansin n’yo bang madalas ang pagkakamot o tila baga nangangati lagi ang inyong alagang aso? Teka, baka may kuto na si Bantay!
Para masolusyunan ang problema kinausap natin si Doc Jomar Castro, isang veterinarian. Halos lahat ng aso ay nagkakakuto. Ang kuto ay isang parasitiko. Nanggagaling sila o tumitira sa halaman, kisame ng bahay, pumupunta sa alaga natin duon sila kumakain, sinisipsip ang dugo ng aso.
Madalas problema ang mga kuto sa mga alaga natin. Tuwing kakain magbebreed sila kaya parami ng parami.Magugulat ka na lang triple na ang dami hindi na makontrol.
Kadalasan din kapag tayo ay may alaga aso at ang kapitbahay may alaga rin aso magpapalipat lipat lang ang mga kuto.. Garapata ito yun ticks, ang pulgas ito ang fleas.
Kapag tayo tinitreat natin ang alaga natin tapos ang kapitbahay na may alaga ay hindi, at tumigil ka sa treatment lilipat ulit ang mga kuto sa aso mo.
Dapat maintindihan na kailangan maraming hakbang na gawin para mamanage ang problema sa pamamahay.
Nilinaw din ni Vet Jomar na hindi ito sa klase ng panahon meron tayo gaya ng pagmainit ang panahon duon naglalabasan ang mga kuto.
Ang breeding season ng kuto ay buong taon, walang pinipiling panahon lumalabas sila. Pag mainit ang panahon tumitira sa ating mga alaga.
Dermatitis, madalas na pagkakamot, nakakalbo, kawalan ng gana kumain.
Para maiwasan ito, ipinapaalala ni Doc Jomar na maging responsable sa pag- aalaga ng hayop, dapat laging malinis ang inyong pet, paliguan ng once or twice a week.