Alam mo ba ang iba-ibang eye exercises?
Magandang umaga!
Alam n’yo ba na globally, nasa 2.2 bilyong tao ang may near or distance vision impairment? At nasa mahigit isang bilyon ay maaring maiwasan.
Sa Pilipinas, ayon sa report, tinatayang nasa 270, 000 elderly Filipinos ang apektado ng pagkabulag. Ang ilan sa dahilan ng pagkabulag ay ang error of refraction, cataract, glaucoma, corneal opacity, retinopathy at maculopathy.
Kaya ngayon, aalamin natin paano ba maimprove ang ating eyesight?
Mapalad tayong nakapanayam mula sa New York City si Dr. Jun Reyes, isang physical therapist..
Base sa pag-aaral by 2050 inaasahang aabot sa kalahati ng populasyon sa mundo ang manlalabo ang mata.
At ilan sa mga dahilan ay ang madalas na paggamit ng gadgets na nagpapalabo sa mga mata.
Sabi ni Doc Jun, ang mata ay may anim na muscles. Kaya mahalagang na-eexercise ang mga mata.
Nagbigay siya ng tamang exercises para sa mata na dapat na ginagawa regularly:
- Active range of motion.
- tumingin side to side , mula sa kaliwa papuntang kanan
- Up and down- tumingin sa itaas and then pababa.
- Oblique o diagonal exercise
Gawin ito ng 5 repetitions, dalawang beses sa isang araw.
2.Blinking at ang slow blinking exercises- makatutulong ito para hindi magdry ang ating mata.
- Zooming- gamit ang hinlalaki, i-focus ang mata sa hinlalaki at dahan dahan ilayo ang kamay at ibalik papalapit sa iyo na may 3 inches ang pagitan.
- Focus change- gamit ang pointing fingers, titigan ito habang papalayo, then tumigil saglit, at tumingin sa malayo. Ibalik ang tingin sa pointing fingers at slowly ilapit sa iyo.
- Rule 20/20, for eye strain, kapag 20 minutes ka ng nakatitig sa screen, kailangan tumigil at tumingin sa malayo ng may 20 feet ang distance sa loob ng 20 segundo. Kasama na rin dito ang pag roll ng eyes.
With eyes open at with eyes close, for 10 repetitions - Palming technique- gawin ito upang marelax ang mata. I-rub ang both hands, then kapag uminit na ang mga palad, saka imasahe ito sa mga mata.
May paalala si Doc Jun…Mahalaga na kumain ng leafy vegetables at mag take ng food supplements, and consult your ophthalmologist regularly.