Alam ninyo ba na magkakaroon na tayo ng ornamental plant lab?
Ang sabi ni Sir Julius, ito ay laboratoryo sa pagbi-breed ng ornamental plants. At gaya ng alam ng marami, ang Guiguinto ay ‘garden city ‘ kumbaga. At ang pangarap nga ng mga residente rito ay maging garden city of the Philippines ang Guiguinto.
Tamang-tama ito, dahil usong-uso ang plantito at plantita, kaya ang ornamental plant lab na ito ay malaki ang maitutulong, Bale mga kapitbahay, sa pamamagitan ng laboratoryo ay pararamihin ang varieties halimbawa ng gumamela at rosal.
Pararamihin ang mga ito at puwedeng ma-access ng mga nagnenegosyo ng halaman sa Guiguinto. Sa pakikipagkwentuhan pa natin kay Sir Julius nabanggit din niya na ang lokal na pamahalaan ang gumagastos sa physical structure ng laboratoryo, habang ang DOST -Region 3 naman ang nagbigay kaukulang pondo para bilhin ang lab equipment at sasagot din sa lab technician para magkaroon ng ready, available plant materials ang mga negosyante o mga naghahalaman sa Guiguinto at matuturuan din kung paano pararamihin.
Mga kapitbahay, this is the first in the Philippines. Nabanggit pa ni Sir Julius na ang I-Lab sa Guiguinto ay posibleng mapabilang sa 21 major projects na DOST for 2021. Isang malaking karangalan para sa bayan ng Guiguinto at sa Central Luzon.
Ang mga nakakatuwang sa pagsasakatuparan ng laboratoryo ay ang Bulacan State University, Bureau of Plant Industry, ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD), Philippine Nuclear Research Institute para makadevelop ng varieties na dito lang matatagpuan sa Pilipinas at iba pang ahensya.
Nilalayon nito para magkaroon ng efficient and productive na operasyon ng ornamental plant lab. Operational ito by September or by the end of quarter of 2021. Good news ito hindi ba mga kapitbahay? At sana mas marami pang magagandang balita. Hanggang sa susunod ulit.