Alamin ang mga benepisyong pangkalusugang taglay ng dahon ng mangga
Masarap na panghimagas ang mangga at marami ang may paborito nito.
Ngunit, marami rin na hindi nakaaalam na maraming benepisyong pangkalusugan ang dulot ng dahon ng mangga.
Sa mga pag-aaral ng ginawa ng mga mananaliksik mula sa National Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng University of the Philippines Los Baños na pinangunahan ni Arsenia B. Sapin, natuklasan nila na ang dahon ay excellent source ng Polyphenolic compounds na nakapagdudulot ng benepisyong pangkalusugan gaya ng Antioxidation, Antidiabetic, Anti-cancer at Anti-inflammatory properties.
Sa apple mango leaves naman, nakita ng mga mananaliksik na ang katas ng dahon nito ay mabisang Anti-aging.
Batay pa sa kanilang pag-aaral, kung ikukumpara sa standard Tocopherol o Vitamin E compound na karaniwang nakukuha sa nuts, oil at gulay, ang katas ng dahon ng mangga ay sampung beses na mas epektibo.
Belle Surara