Albania, handang tanggapin ang daan-daang Afghan refugees
TIRANA, Albania (AFP) – Inihayag ng Albania na handa itong pansamantalang tanggapin sa kanilang bansa, ang daan-daang Afghan refugees na patungong Estados Unidos, kabilang ang women leaders, government officials, at iba pang nanganganib mula sa Taliban.
Sinabi ni Prime Minister Edi Rama na . . . “NATO member Albania is ready to shoulder its share of the burden. Washington has already asked Albania to consider the possibility of serving as a transit country for a number of Afghan political immigrants whose final destination would be the United States.”
Nagpahayag din ng kahandaan ang Canada na tanggapin ang higit 20-libong refugees.
Kapwa nagmamadali na ang US, Britain at iba pang Western countries na ilikas ang kani-kanilang mga mamamayan mula sa Afghanistan, maging ang mga Afghan na nagtatrabaho sa kanila na nangangambang gantihan sila ng Taliban.
Agence France-Presse