Albay Congressman Joey Salceda hiniling kay PBBM na huwag pababayaan ang mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon
Pinaghahandaan na ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan sa Albay ang mahaba-habang panahon ng pagharap sa problemang dulot ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sinabi ni Albay Congressman Joey Salceda na batay sa karanasan, posibleng umabot ng hanggang 110 araw o higit pa ang aktibidad ng bulkang Mayon bago humupa at payagan na makabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga apektadong residente.
Ayon kay Salceda, “I am asking for patience and stamina from national government agencies extending pre-disaster relief and evacuation support to those affected by recent Mayon Volcano activity, as evacuation efforts and the wait for an actual eruption could take weeks or months.”
Dagdag pa niya, “Historically, the scenarios are 45, 90, or 110 days. It could, of course, get even longer than that. This will be a waiting game. Until an explosive eruption happens, or the alert level goes down, we can’t really do much other than evacuate and wait.”
Ayon kay Salceda, sa ngayon nasa 4,286 na pamilya o 15, 241 na indibidwal ang namamalagi sa evacuation centers sa mga bayan ng Daraga, Camalig, Ginubatan, Santo Domingo, Maliliput, Bacacay, Ligao City at Tabaco City na pawang nasa 6 kilometers permanent danger zone.
Aniya, “This will also require economic displacement support from DOLE, medical, hygiene, and psychosocial support from DOH, police presence, emergency and water provision from DILG, among others.”
Inihayag ni Salceda na may 5,000 mga magsasaka ang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon na dapat ayudahan, dahil nasira na ang kanilang mga pananim.
Ipinarating na ni Salceda ang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na personal na bumisita sa Albay para makita ang aktuwal na sitwasyon ng mga residente na apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon, para maibigay ang kaukulang tulong ng national government.
Pahayag pa ni Salceda, “We are working with the corporate sector now, to fill in whatever gaps can be filled. But, with PBBM directing the national effort, we are optimistic that Albay will get what we need.”
Vic Somintac