Alegasyon ng anomalya laban sa mga miyembro ng nbi Cybercrime Division at Digital Forensics, iimbestigahan
Iimbestigahan ng DOJ at nNBI ang paratang ng kurapsyon at anomalya laban sa mga miyembro ng NBI Cybercrime Division at Digital Forensics Laboratory.
Bumuo na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ng fact -finding committee na pangungunahan ni Justice Undersecretary Raymund Mecate at apat na iba pang opisyal ng DOJ at NBI.
Inatasan din ng kalihim ang komite na alamin ang posibleng kriminal at administratibong pananagutan ng mga naturang NBI personnel.
Binigyan ang fact -finding team ng tatlumpung araw para magsumite ng pinal na report at rekomendasyon.
Ang kautusan ni Aguirre ay kasunod ng reklamo ng kurapsyon ng mga may-ari at kawani ng Intellcash International Inc. , Datacentric Corporation at Delta Clout laban sa NBI Cybercrime at Digital Forensics lab.
Ulat ni: Moira Encina