Alegasyon ng pagtanggap ng Campaign funds ni Senador Drilon, Smear Campaign lang ng gobyerno -Liberal Party

Umalma ang Liberal Party sa anila ay smear campaign at walang basehang alegasyon laban sa mga miyembro ng oposisyon.

Kasunod ito ng alegasyon na umano’y tumanggap ng limang milyong pisong
campaign funds si LP vice -chairman at senate minority leader Franklin
Drilon mula sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim
Napoles.

Iginiit ng liberal party na nasagot na ni Drilon ang isyung ito pero
tila binibuhay ng administrasyon para ilihis ang atensyon ng publiko.

Bwelta ng liberal party, sa halip na sagutin ang mga alegasyon laban
sa pangulo o administrasyon, gumagawa ng isyu at pinag-iinitan umano
ang mga kritiko ng administrasyon.

Katunayan aniya nito ang kaso ni Senador Leila de Lima na matapos
ibunyag at ilantad ang mga kaso ng extra judicial killing,
ipinakulong ito ng gobyerno sa kasong illegal drug trade.

Taliwas ito sa aksyon ng gobyerno laban kay Presidential Assistant
Bong Go na idinadawit sa 15.7 bilyong pisong kontrata sa  frigate warship plane ng Philippine navy.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

===end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *