Alegasyon ni Sen. Trillanes na rubberstamp at puppet ng Pangulo ang Senado, inalmahan ni Sen. Ejercito

Hindi babalewalain ng mga Senador ang binitiwang pahayag ni Senador Antonio Trillanes na mistulang rubberstamp sila ng Duterte administration.

Sa panayam ng programang Feedback sinabi ni Senador JV Ejercito , sumusobra na si Trillanes dahil naglilikha lamang ito ng gulo at nakakasira na sa Senado bilang institusyon.

Aniya , bagaman kontra si Trillanes sa administrasyong Duterte ay maling asal naman ang ipinakikita ni Trillanes bilang isang mambabatas.

Paglilinaw ni Ejercito , may parliamentary rule na sinusunod ang Senado sa mga pagpapasyang ginagawa at hindi kung ano ang gusto ng Pangulo ang siyang masusunod dahil sa ang taumbayan ang humalal sa kanila .

“Ang problema kasi kay Trillanes yung collegue niya dinadamay niya at ang gusto niya sumunod kami sa kanya hindi naman tama dahil kami po ay halal ng taumbayan at may mandato po kami at syempre dapat rin naming respetuhin ang mandato ng pangulo .binigyan po yun ng mandato ng taumbayan to support them as well pero hindi naman ibig sabihin na kami ay rubberstamp. May mga ilang issue na kahit itinutulak ng administrasyon ei marami sa amin ang hindi naman basta basta sumasang ayon kaya kung ano ang pulso ng taumbayan at kung ano ang makakabuti yun po ang aming susundin”. – Sen. JV Ejercito

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *