Alert level 1 sa NCR irerekomenda – MMDA
Posibleng irekomenda ng mga alkalde sa Metro Manila sa Inter-Agency Task Force ang pagpapababa ng COVID-19 alert status kung magtutuluy-tuloy pa ang pagbaba ng mga kaso sa mga susunod na araw
Ito ang inihayag ni MMDA officer-in-charge at general manager Romando Artes laging handa briefing .
Sa rekomendasyon ng Metro mayors sa sandaling naabot na ng National Capital Region ang angkop na mga datos ay maaari nang ilagay sa Alert level 1 ang buong rehiyon .
Batay sa panuntunan ng IATF, idedeklara ang alert level 1 sa mga lugar na may mababang hawaan ng COVID-19, mababang ‘bed utilization rate, at intensive care unit utilization rate’.
sa ilalim ng Alert level 1, papayagan na ang ‘intrazonal at interzonal travel’ sa kahit na anong edad at comorbidities na taglay.
Lahat naman ng mga establisimento at aktibidad ay papayagan na mag-operate, pati na ang pagta-trabaho ang mga tao pwede rin ang “full on-site o venue/seating capacity’ na sinusunod ang ‘minimum public health standards’.
Kasalukuyang nasa Alert level 2 ang NCR hanggang sa Pebrero a-kinse .