Alert level 1 sa NCR, pinag – aaralan na ng IATF ayon sa Malakanyang
Nagsasagawa na ng assessment ang Inter Agency Task Force o IATF hinggil sa posibilidad na mailagay na sa alert level 1 ang National Capital Region o NCR.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles bago sumapit ang February 16 ay maglalabas ng bagong desisyon ang IATF kung puwede ng ilagay sa alert level 1 ang Metro Manila.
Ayon kay Nograles, ilan sa mga criteria na dapat sundin sa pagdedeklara ng Alert level 1 ay una dapat na mababa sa 49 percent ang total bed utilization ikalawa dapat ay zero o patuloy na bumabagsak ang 2 weeks growth rate habang ang average daily attack rate ng COVID- 19 ay nasa below 1 percent.
Inihayag ni Nograles lahat ng mga criteria sa pagbaba ng alert level sa Metro Manila ay nakikita na at kailangan lamang ay mapanatili itong mababa hanggang February 15.
Vic Somintac