Alert level 2 sa Metro manila sa Pebrero malalaman sa weekend – Malakanyang
Ilalabas ng Inter Agency Task o IATF sa weekend ang desisyon kung isasailalim na sa alert level 2 ang Metro Manila sa pagpasok ng buwan ng Pebrero mula sa alert level 3 na umiiral hanggang January 31.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na tatalakayin sa meeting ng IATF ang panukalang ibaba na sa alert level 2 ang Metro Manila dahil bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa kabila ng presensiya ng Omicron variant.
Ayon kay Nograles batay sa report ng Department of Health o DOH nakitaan narin ng pagbaba ng weekly positivity rate at average daily attack rate ng COVID-19 ang Metro Manila at nananatiling below critical risk ang hospital bed utilization na pangunahing criteria sa alert level adjustment ng isang lugar.
Inihayag ni Nograles, kukunsultahin ng IATF ang lahat ng stake holders partikular ang mga local government units o LGUS sa Metro Manila para sa alert level adjustment.
Vic Somintac