Alert level 4 sa NCR at iba pang lugar sa bansa, pinag-aaralan pa ng IATF – Malakanyang
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa masusing pinag-aaralan ng Inter Agency Task Force o IATF ang pagtataas ng alert level sa National Capital Region o NCR at iba pang lugar.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles minomonitor ng IATF ang mga indicator para sa pagtataas ng alert level tulad ng Average Daily Attack Rate o ADAR, hospital bed utilization at bilang ng mga health workers na nagpopositibo sa COVID-19.
Ayon kay Nograles bagamat nasa high risk na ang NCR maituturing paring manageable ang sitwasyon ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dulot ng omicron variant dahil hindi pa umaabot sa critical stage ang health care utilization.
Inihayag ni Nograles sa sandaling umabot sa critical stage ang health care utilization sa NCR walang ibang option ang IATF kundi itaas sa alert level 4 mula alert level 3 ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Vic Somintac