Alert level itinaas ng Japan matapos pumutok ang bulkang Otake
TOKYO, Japan (AFP) – Itinaas ng meteorological agency ang alert level, makaraang pumutok ang isang bulkan sa timog-kanluran ng Japan na nagbuga ng malalaking bato, daan-daang metro mula sa bunganga nito.
Wala namang agad na napaulat na nasaktan sa pagsabog ng bulkang Otake sa Kagoshima prefecture.
Ayon sa mga ulat, itinaas ng Japan Meteorological Agency ang alert level three na nangangahulugan na hindi dapat lumapit sa crater ang mga tao.
Ang unang pagputok ay nangyari makaraan ang alas-10:00 ng gabi nitong Martes, habang ang pangalawa ay halos mag-a-alas-3:00 na ng madaling araw ngayong Miyerkoles.
Ayon pa sa mga ulat, nagbuga ng malalaking bato ang bulkan halos isang kilometro o higit kalahating milya mula sa bunganga nito, kayat may babala na maaaring umabot ito sa two-kilometer radius.
Ang Japan na maraming aktibong mga bulkan ay nasa tinatawag na Pacific “Ring of Fire,” na pinangyayarihan ng malaking bilang ng mga paglindol at pagputok ng mga bulkan.
© Agence France-Presse