Alert Level system, ipatutupad na ng Malakanyang sa buong bansa
Inaprubahan na ng Malakanyang ang pagpapatupad ng alert level system sa buong bansa.
Ito ang nakasaad sa inilabas na Executive Order 151 ng Malakanyang na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakasaad sa EO 151 na obligasyon ng estado na protektahan ang kalusugan ng bawat mamamayan.
Phase 1 ng pagpapatupad ng alert level system ay ipinaiiral na sa National Capital Region o NCR, Region 3, 4A, 6, 7, 10 at 11.Phase 2 ay sa Region 1, 8 at 12.
Phase 3 ay sa Region 2, 5, at 9 at Phase 4 ang Cordillera Admimistrative Region o CAR , Region 4B, 13, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Nakasaad sa kautusan na ang paglilipat na sa Phase 2 ay maaaring ipatupad bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Ang mga susunod na yugto ay magsisimula kada linggo hanggang sa full nationwide implementation sa pamamagitan ng Inter Agency Task Force o IATF.
Vic Somintac