Alkalde ng Aparri, Cagayan na si Mayor Bryan dale Chan pangunahing suspek sa pagpatay kay VM Rommel Alameda
Itinuro ng Cagayan Regional Police Office ang Alkalde ng Aparri sa cagayan na si mayor Bryan Dale Chan na pangunahing suspek sa pagpatay kay vice mayor Rommel Alameda noong february 19 sa bagabag Nueva Vizcaya
Sa pagdinig ng senate committee on public order, inisa-isa ni police colonel Arbel Mercullo ng regional intelligence and investigation division ang iba pang suspek na kasamahan ng alkalde.
Kabilang sa mga tinukoy ni Mercullo si Darren Cruz Abordo na may-ari ng get away vehicle na nakitang sunog sa bayan ng solano
Ilan pa sa tinukoy na suspek sina;
Dennis de Guzman ng Santa Rosa, Nueva Ecija at Aparri, Cagayan.
Rommel Hoseña – Aparri
Freddie Moleno – Buguey
Freddie Appuru – Aparri
Marvin Ayudan – Aparri
Rommel Baltao – San Leonardo, N.E.
Antonio de Guzman – Sta. Rosa , N.E.
Romeo cortez Fajardo – San Leonardo, N.E..
Ayon kay Mercullo, pawang mga bodyguards ni mayor Chan ang iba pang suspek.
“Based on sight alameda we have 9 person of interest in our investigation first is person is the mayor Bryan Dale Chan…. yun po ang na extract may-ari ng get away vehicle….. naka-link lahat kay mayor sir” pahayag ng Regional Intelligence and Investigation Police Col. Arbel Mercullo
Pinatunayan ng maybahay ng alkalde na si Mrs. Elizabeth Alameda ang biyuda ni Vice Mayor Alameda para sa katarungan.
Bago aniya mapatay ang vice mayor, nagsalita na ito na kung papatawan siya ng suspension ng provincial board at ng Office of the Ombudsman hindi siya papayag na si Vice Mayor Alameda ang papalit sa kanya
Nais ni Chan na ang pumalit sa kanya ay ang kaniyang ama na si Rene Chan na number one councilor ng Aparri, Cagayan
“One of his meetings sinabi niya sa harap ng mga employees kapag natanggal na suspend babalikan daw po niya may gawa ng kaso, mga employees ng munisipyo” pahayag ni Mrs Elizabeth Alameda
itinanggi ng Alkalde ang alegasyon laban sa kanya pero nagisa si mayor Chan sa pagdinig ng senado dahil sa sangkatutak na bodyguards.
Pinuna din nina senador Ronald bato Dela Rosa at Raffy Tulfo bakit pinapayagan ng PNP na may bitbit na long firearm ang mga bodyguard ni Chan gayong pawang mga sibilyan.
Pati ang pamunuan ng PNP kinastigo ni Dela Rosa bakit pinapayagan ang ganitong sistema
“Sibilyan may dala-dala long firearms? Is he authorize the long firearms? Bakit hinahayaan sa munisipyo – so what kung bodyguard ni mayor bakit may ganyan? You have control of your… hindi mo kontrolado kaya nagkakaroon ng patayan doon” pagtatanong ni senador Dela Rosa.
“Dapat kasuhan ng pulis. oo sigurado pulis dito nabayaran and anong hawak na dokumento nitong tao ninyo, siya ito ba ay naka MO ng pulis t- siyempre mayor alam mo na mga tao nakapaligid sayo in this case hindi magbibigay ang chief of police i will not believe magpapahiram ng baril ng PNP sa bodyguard mo kung walang blessing from you kung tawag – chief of police long firearm kung siya lang nag-decide – may blessing sa inyo” pahayag naman ni Senador Tulfo
Hiniling na ng Nueva Vizcaya PNP ang executive session sa mga senador para isiwalat ang lahat ng detalye sa pagkamatay ni Alameda at bakit nadamay si Mayor Chan
Meanne Corvera