Alkalde ng Botolan nag-inspeksyon sa bagong quarantine-isolation facility
Pinangunahan ng kasalukuyang alkalde ng Botolan, Zambales na si Mayor Doris “ Bing” Maniquiz, kasama ng iba pang opisyal ng pamahalaang bayan, ang site inspection sa bagong quarantine-isolation facility sa (PCB).
Ang quarantine facility at isolation area na ito ay inihanda para sa kanilang mga kababayan.
Ang mga magpopositibo sa rapid antigen test pero asymptomatic ay dadalhin sa building A. Sa building B naman dadalhin ang mga magpopositibo sa RT-PCR na asymptomatic din.
Ang hakbang na ito ay tugon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bayan ng Botolan. Ang mga residente at hindi residente sa Botolan na nais magpa rapid antigen test, na ang schedule ay 8am – 5pm, ay sa PCB na rin gagawin.
Lubos naman ang pasasalamt ng buong lokal na pamahalaan kay Governor Hermogenes Ebdane, Jr. sa laging pagtulong at pagsuporta laluna sa mga ginawang paghahanda at pagsasa-ayos sa naturang pasilidad, na naging possible rin sa tulong ng Provincial Engineering Office.
Samantala, muling ipinapaalala ng lokal na pamahalaan, na patuloy ang kanilang pagbabantay at border control sa mga bagong dating sa kanilang bayan, maging ang pagpapatupad ng curfew hours mula 8pm hanggang 5am.
Hiningi rin ng mga kinauukulan sa mga mamamayan ng Botolan, Zambales ang kanilang kooperasyon at pagsunod sa lahat ng ipinatutupad na alituntunin ukol sa pag-iwas sa COVID-19.
Ulat ni Shan Araucto