Alkalde ng Kawit Cavite humingi ng paumanhin sa publiko matapos ma-antala ang distribusyon ng kanilang ayuda


Humingi ng paumanhin at pang-unawa sa publiko si Kawit Cavite Mayor Angelo Aguinaldo matapos na ma delay ang pamamahagi ng financial aid para sa mga residente nito sa kanilang bayan na naapektuhan ng ECQ.
Ayon sa alkalde, nataon aniya na sarado rin ang kanilang munisipyo dahil sa marami sa mga kawani sa kanilang tanggapan ay magpositibo sa virus. 
Kabilang aniya sa mga departamentong isinara ay ang Office of the Mayor, Treasurer’s Office at maging ang MSWD na siyang pangunahing mamamahala sa distribusyon ng ayuda.
Sinabi pa ng alkalde na maging siya mismo ay isinailalim na rin sa strict quarantine measures dahil sa pagkaka expose nito sa mga may covid 19. 
Tiniyak naman ang alkalde na sa susunod na linggo ay maipamamahagi na ang financial assistance para sa mga residente nilang apektado ng ECQ. 
Una nang naglaan ng pondo ang DBM ng P69,744.000.00 pesos na ayuda para sa Kawit Cavite LGU.

Please follow and like us: