Allergy, isang isyung pangkalusugan pa rin -ayon sa eksperto… Samantala, National Allergy day, ipinagdiwang
Idineklara ang Hulyo 8 bilang National Allergy day batay sa Presidential Proclamation no. 1313 na nilagdaan noong July 8, 2007 ni dating Gloria Macapagal Arroyo.
Ito ay taon -taong ginagawa upang maitaas ang kamalayan o kamulatan ng mga Filipino na ang allergy ay isang Public health concern na dapat na pagtuunan ng pansin.
Ayon sa Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology o PSAAI, sa taong ito ang tema ng pagdiriwang ay “ Basta’t sama sama, Allergy ay kayang kaya”.
Kabilang sa mga naisagawang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ang National allergy day ay interactive lectures na dito ay nagkaroon ng kaalaman ang mga dumalo sa signs at symptoms ng allergy.
Isa sa mga tinalakay ay ang allergy sa balat na ito ay binubuo ng mga kundisyon tulad ng hika sa balat, tagulabay at eczema.
Binigyang diin ng mga allergist na mahalagang kumonsulta sa eksperto upang matukoy agad kung saan allergic at kung ano ang mga paraang dapat at angkop na gawin upang ito ay maiwasan.
Ulat ni Belle Surara