Allergy kapag ipinagwalang bahala, posibleng ikamatay, ayon sa mga eksperto, samantala, National Allergy Day ginunita

Maaaring mangyari ang allergy kahit saan at kahit kanino.

Bata man o matanda ay maaaring dapuan ng allergy .

Karaniwang sanhi ng allergy ay mga  pagkain, bagay at gawain.

Ang mga kalimitang napapansing sintomas ay pangangati at pagpapantal  ngunit maymga  allergy na mas malala ang epekto kung kaya  hindi ito dapat na ipagwalang bahala.

Kaugnay nito, ginunita kahapon ang  national allergy day kung saan ito ay pinangunahan ng  Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology o psaai Inc.  ang lead agency ng mga aktibidad katuwang ang Department of Health.

Ayon kay Dra. Carmela Agustin Kasala, Presidente ng PSAAI, Inc.  layunin ng selebrasyon na lalong maitaas ang antas ng kamulatan at kaalaman ng  publiko na ang allergy ay isang importanteng sakit na dapat pagtuunan ng pansin.

“Usually, ang allergy may mga misconception, allergy lang yan, papetik petik, walang saysay, pero sa totoo lang, merong tinatawag na anaphylaxis, o yung severe allergic reactions, na posibleng ikamatay ng tao, so gusto naming malaman agad ng mga tao na may allergy na hindi dapat basta basta laang ang allergy, kailanagan silang magpatingin sa duktor, magpa diagnose, at magbigay ng advise sa kanila, kung ano dapat iwasan, kung ano dapat inumin na gamot o dun sa mga iba na maaaring bigyan ng immunotherapy, kung allergy siya para makontrol ang sintomas at d mumabot sa puntos na ikamatay pa nila”. – Dra. Carmela Kasala-Agustin. Presidente PSAAI Inc.

Binigyang diin pa ni Dra. Kasala na ang allergy ay hindi lang sa balat,  meron din sa ilong at meron din sa hika, kaya naman, kapag naranasan ang mga sintomas na nabanggit, komunsulta agad sa isang Allergologist o allergist.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *