Alliance of Concerned Teachers iniapela sa Court of Appeals ang pagbasura nito sa petisyon nila laban sa profiling ng PNP sa mga myembro nitong guro

Hiniling ng Alliance of Concerned Teachers sa Court of Appeals na baligtarin ang naunang desisyon nito na nagbasura sa kanilang petisyon laban sa profiling at surveillance ng PNP sa mga miyembrong guro ng militanteng grupo dahil sa isyu ng teknikalidad.

Isa sa mga dahilan sa pagbasura ng CA sa petisyon ay ang kabiguan ng ACT na ilakip ang certified true copies ng mga kinukwestyon nitong PNP memoranda na paglabag sa Rules of Court.

Hindi rin inilagay ng mga petitioners ang petsa kung kailan nila natanggap ang mga PNP memoranda.

Bigo ring ilagay sa petisyon ang petsa kung kailan naisyuhan ng IBP Membership Number at Professional Tax Number ang abogado ng ACT.

Sa 13 pahinang motion for reconsideration ng grupo, sinabi nito na masyadong malupit ang agad na pagbasura sa kanilang petisyon.

Ayon sa ACT, bagamat hindi dapat balewalain ang mga procedural rules sa paghahain ng mga petisyon ay dapat daw na iwasan ng korte ang mahigpit na aplikasyon nito.

Inihalimbawa ng mga militante ang Supreme Court na sa mga nakaraan ay niluwagan ang pagpapatupad sa mga panuntunan para sa interes ng hustisya.

Dapat din anilang mas timbangin ng CA ang substansya ng kanilang petisyon kaysa sa mga lapses nito.

Giit pa ng grupo, imposible ring makuha nila sa PNP ang certified true copies ng kinukwestyong kautusan nito dahil sa itinatanggi nga ito ng Pambansang Pulisya.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *