Alok na “Mushroom picking” job sa Canada, walang Job order- DOLE
Nagbabala ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga Filipinong gustong mangibang-bansa tungkol sa mushroom-picking job sa Canada.
Ayon sa DOLE, walang job order tungkol sa naturang trabaho, at hindi pa rin nakakapaglabas ng accreditation ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA sa kahit na sinong recruiter na nag-aalok ng mushroom-picking job.
Ayon naman sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Canada, minimum wage lamang ang ibinabayad sa mushroom pickers sa Ontario at iba pang lalawigan sa Canada.
Dagdag pa ng POLO, masyadong malaki ang sinasabing 150,000 hanggang 180,000 piso na pasuweldo para sa naturang trabaho.
Sa ngayon ay prayoridad ng pamahalaan ng Canada na kumuha ng mga trabahador at empleyado na mula mismo sa kanilang bansa.
================