Alok ng US na 50 milyong heringgilya, pinalampas ng Pilipinas
Ibinunyag ni Dept. of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro “Teddy Locsin” na nasayang ang 50 milyong heringgilya, matapos palampasin ng Pilipinas ang alok ng Estados Unidos na makakuha nito.
Sa kaniyang twitter post ay sinabi ng kalihim, na tinalakay sa Washibgton DC ang pangangailangan ng mga heringgilya pero tumanggi ang mga ahensiya sa Pilipinas na banggitin ang mga detalye nito.
Dagdag pa ni Locsin, pinalampas na rin ng gobyerno ang pagkuha ng Pfizer na sinundan ng Moderna, at ngayon nga ay ang heringgilya.
Sinabi naman ni Senator Panfilo Lacson, na dapat ay nakinig man lang ang administrasyon kay Locsin, kahit hindi na nila kilalanin ang mga naging pagsisikap nito.
Ayon naman kay Locsin, di na niya inaasahang pakikinggan pa siya kayat hindi na rin siya mag-aaksaya ng oras para lamang mapahiya.
Aniya . . . “We dropped the ball again, this time offer of 50 million syringes. Discussed the need in Washingtin DC and got a response prepared to go into details with PH agencies, but they refused to discuss the ball let alone catch it. First Pfizer, then Moderna. Ok, I see the pattern.”