Alokasyon ng COVID-19 vaccines sa CALABARZON, umabot na sa mahigit 827,000
Nasa 827,000 na ang natatanggap na COVID-19 vaccines ng CALABARZON mula sa nasyonal na pamahalaan.
Sa datos mula sa COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, umaabot na sa 827,360 na CoronaVac at AstraZeneca ang nailaan sa rehiyon.
Mahigit 701,000 sa mga nasabing bakuna o 84.7% ang naipadala na sa 348 vaccination sites sa Region IV-A.
May nalalabi pang mahigit 126,000 doses ng undistributed COVID vaccines sa CALABARZON.
Samantala, kabuuang 54,292 indibidwal mula sa A1 hanggang A3 vaccine priority list ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna laban sa COVID.
Nasa 256,000 naman na indibidwal ang naturukan ng unang dose ng bakuna.
Mahigit 21,600 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Moira Encina