Alpha Assistenza SRL CEO Krizelle Respicio humarap sa DOJ kaugnay sa alegasyon ng illegal recruitment at pamemeke ng Italian work documents
Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang CEO ng kumpanyang Alpha Assistenza SRL na itinuturong nameke ng Italian work permits ng mga Pilipino na nais na makapagtrabaho sa Italya.
Humarap si Krizelle Respicio na nangangasiwa sa Alpha Assistenza kasama ang kaniyang abogado kay Justice Secretary Crispin Remulla at iba pang opisyal ng DOJ ngayong Huwebes.
Sinabi ni Atty. Charlie Pascual na ipinahayag ng kaniyang kliyente kay Remulla na handa itong makipagtulungan sa imbestigasyon ng mga otoridad sa sinasabing recruitment scam.
Tiniyak din ng abogado na sasagutin ng kaniyang kliyente ang mga paratang sa tamang forum.
Iginiit ng abogado na hindi sangkot si Respicio sa anumang recruitment at lalabas din ang katotohanan.
Moira Encina