ALS-SHS, matagumpay na nailunsad sa Bulacan
Sa kauna-unahang pagkakataon, matagumpay na naisagawa sa Bulacan ang paglulunsad ng Alternative Learning System-Senior High School (ALS-SHS), na pangungunahan ng ilang mga piling pribadong paaralan sa ilalim ng programang inilunsad ng Department of Education.
Dinaluhan ito ng ilang mga opisyal at mga nanunungkulan sa nasabing kagawaran upang magpaabot ng suporta.
Ilan sa mga pangunahing dumalo sa programang ito ay ang kapitan ng Barangays Agnaya, Sta. Ines, at Paltao, Municipal Mayor mg Plaridel na si Mayor Jocell Vistan-Casaje, Mayor Ma. Rosario Ochoa-Montejo ng Bayan ng Pulilan, Regional ALS Focal Person, Dr. Engelbert Agunday, at Regional Director, Dr. May Eclar. Kasama namang dumalo sa pamamagitan ng online si Director III, Dr. Marilette Almayda.
Lahat sila ay nagpaabot ng pasasalamat at suporta para sa mga pribadong paaralan pangunahin na ang St. Jude College of Bulacan at Colegio de Santa Philomena, sa pagbibigay ng kanilang libreng serbisyo upang mas lalong mapaunlad ang edukasyon.
Patuloy namang hinihikayat ang mga nahinto na mag-enroll na at ituloy ang kanilang pag-aaral sa tulong ng ALS.
Nesllie S. Fabros