Alternative fuels at E-vehicle programs isinusulong
Isinusulong ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang mga programa para sa alternative fuels at e vehicle.
Sa harap ito ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Zubiri, dapat pag- isipan ng gobyerno ang alternatibong pagkukunan ng krudo tulad ng biodiesel at bioethanol na maaring makuha sa bansa.
Isa si Zubiri sa nagsulong ng pagsasabatas ng Biofuels Act of 2006 na layong bawasan ang pagiging dependent ng Pilipinas sa imported fuel bilang proteksyon ng public health pero nakakalungkot aniya na kulang ang suporta ng gobyerno at kakaunti ang investment para dito.
Sana raw tularan ng Pilipinas ang Brazil, India at Malaysia na may sariling biofuels production.
Bukod sa mura, makakatulong ito sa lahat ng sugar farmers at coconut farmers sa bansa.
Naipasa na rin aniya ang E vehicle act para hindi na aasa sa gasolina pero kulang ang implementasyon para sana sa pagbebenta at paggamit ng mga electric vehicle.
Sinusuportahan rin ni dating Makati Congressman Monsour del Rosario na tumatakbong Senador ang mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya.
Kailangan aniyang maging seryoso na ang gobyerno sa paghahanap ng alternative energy.
Hindi aniya maaring umasa lang ang gobyerno sa imported fuels dahil hindi kayang kontrolin ng pamahalaan ang dikta sa presyo ng pandaigdigang merkado.
Meanne Corvera