Alternative Health care, nakatutulong upang lunasan ang maraming uri ng karamdaman- ayon sa mga eksperto
Mahal ang gamot at pagpapagamot….. ito ang madalas na marinig lalung-lalu na sa panig ng mga kababayan nating walang kakayanan na bumili ng gamot upang lunasan ang kanilang karamdaman.
Ang iba, sinusubukang gumamit ng alternative medicine o halamang gamot.
Matatandaang inilunsad ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Republic Act 8423 o ang Traditional and Alternative Medicine Act noong 1997.
Ito ang naging daan upang itatag ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health care na dito ay pinalalakas ang paggamit ng tradisyunal at alternatibong pamamaraang medikal sa pamamagitan ng research o pananaliksik at masinsinang product development.
Ayon kay Dra. Imelda Edodollon, Medical Director ng Holistic Integrative Care Center o HICC, mainam ang paggamit ng halamang gamot.
Binibigyang diin ng mga eksperto na kailangang matiyak na tama ang preparasyon at paghahanda ng mga halamang gamot bago ito gamitin dahil kung hindi— maaari itong makapinsala ng kalusugan.
Ulat ni Belle Surara