Ambassador Renato Villa, di dapat sisihin sa rescue operation ng Embahada sa mga distressed OFW sa Kuwait
Ipinagtanggol ni Senador JV Ejercito ang desisyon ni Ambassador Rene Villa na sagipin na ang mga kababayan natin sa Kuwait na minamaltrato ng kanilang mga amo.
Ayon sa mambabatas, hindi pwedeng sisihin si Villa dahil nanaig lamang ang kaniyang pagka-Filipino sa nakikita niyang pang-aabuso at pagmamaltrato sa ating mga kababayan doon.
Aniya, bagamat dapat sumunod sa protocol na ipinatutupad sa Kuwait, napakahirap sa kalagayan ni Villa na tiisin na lamang ang mga kababayan nating nangangailangan na ng agarang tulong.
“Kung ako man ang nasa lugar ni Ambassador Villa, napakahirap ng desisyon nuong mga panahon na iyon. Although dapat nating sundin yung kanilang protocol at mga polisiya pero kung minsan ay nasa harapan mo na at nakikita mo na talagang andami na ng mga maltreatment at mga kaso ng mga naabusong OFW na talagang napakarami na”.