Amerika, kinumpirma ang pagtulong sa labanan sa Marawi City

us support

Courtesy of Wikipedia.org

Kinumpirma ng pamahalaan ng Estados Unidos na tumutulong na sila sa militar para sa pagtugis at pagpulbos sa Maute group na nasa Marawi City.

Sa ipinalabas na pahayag ng US embassy sa Maynila, kanilang sinabi ang ibinibigay nilang tulong ay dahil na rin sa hiling ng Armed Forces of the Philippines.

Dagdag pa ng US embassy, matagal nang nagbibigay tulong ang US special operations forces sa bansa.

Samantala, nilinaw naman ni Lt/Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st infantry division ng Army na hanggang technical support lamang ang ibinibigay ng tropa ng Amerika at hindi sila sumasabak sa bakbakan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *