Amerika, nag-donate ng mga PPE at Hygiene kits sa Davao City
Nagkaloob ang Gobyerno ng Amerika sa Davao City ng mga Personal Protective Equipment (PPE’s) at Hygiene kits bilang pagsuporta sa laban ng lungsod sa Covid-19.
Ayon sa US Embassy sa Maynila, kabuuang 1,450 hygiene kits ang ibinigay ng USAID sa Davao City.
Ipamamahagi naman ang mga ito sa mga pasilidad na nangangalaga sa mga vulnerable sectors.
Ang hygiene kits ay naglalaman ng face mask, sabon, laundry detergent, dishwashing liquid, toothbrush, at sanitary napkins.
Ang mga donasyong PPEs ay bahagi ng una nang ipinagkaloob ng U.S. Defense Threat Reduction Agency para sa mga ospital sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ang virtual handover ceremony ng mga donasyon ay dinaluhan nina Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio at U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim.
– Moira Encina