Amerikanong beach resort owner inaresto ng Bureau of Immigration

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Amerikanong may-ari ng beach resort sa Boracay dahil sa kawalan ng working permit.

Huli sa akto ng BI si Randall Lee Parker, 52 anyos, sa loob ng Artienda sa Station 2 na dating Crown  Beach Hotel isang araw bago isara ang Boracay.

Ipinalabas ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mission order para arestuhin si Parker matapos ang reklamo na isinampa sa BI kaugnay sa business activities ng dayuhan nang walang kaukulang working permit o visa.

Ayon sa BI, halos dalawang taon nang nasa Pilipinas si Parker bilang turista.

Batay sa Immigration law at Labor Code, ang isang dayuhan na napagkalooban lamang ng tourist visa ay hindi pinapayagang magtrabaho o magnegosyo sa bansa.

Isasailalim ang Amerikano sa deportation proceeding dahil sa iligal na pagta-trabaho sa bansa.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *