Amerikanong drug convict, arestado ng Bureau of Immigration sa Pangasinan
Nahuli ng Bureau of Immigration ang isang amerikanong convict sa kasong iligal na droga at gun possession.
Ayon kay Immigration Commssioner Jaime Morente, nadakip sa Pangasinan ng BI Fugitive search unit si Larry John St. Calire, 45 anyos na wanted sa California dahil sa parole violation.
Ang nasabing amerikano ang kauna-unahang puganteng dayuhan na nadakip ng BI ngayong taon.
Nagpalabas ang US District court sa Eastern California ng arrest warrant laban kay St. Clair dahil sa paglabag sa mga kondisyon sa kaniyang paglaya at nagtago sa Pilipinas.
Bukod sa pagiging pugante, ipapadeport ang Amerikano dahil sa pagiging undocumented alien matapos ipawalang bisa ang pasaporte nito ng US government.
Nasa blacklist order din ito ng BI dahil sa pagkakaroon ng pekeng VISA extension stamps.
Hinatulan siya ng korte sa US noong 2009 dahil sa gun possession, drug trafficking, manufacture ng marijuana plants at possession ang transportation of stolen explosives.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===