Amerikanong sangkot sa sex trafficking ng mga menor sa Pilipinas, ipinakulong ng korte sa U.S.

Hinatulan ng 10-taong pagkakulong ng korte sa Estados Unidos ang isang Amerikano dahil sa sex trafficking ng isang menor de edad sa Pilipinas.

Kinilala ng U.S. Department of Justice ang sinintensyahan na si Donald Stenson, 67-anyos mula sa Wisconsin.

Ayon sa court documents, bumiyahe nang ilang beses sa Pilipinas si Stenson simula 2007 at paulit-ulit na nagkaroon ng sexual activity sa mga menor de edad sa Pilipinas.

Sa pagitan naman ng 2016 at 2019 ay inakit nito sa commercial sex engagements at sexual activity ang limang menor de edad na biktima sa pagitan ng mga edad na 11 at 16-taong gulang at binigyan ang mga ito ng mga pera at regalo.

Nadiskubre rin ng mga otoridad sa mga gadget ni Stenson ang maraming mga larawan at videos ng minor victims at sexually explicit messages sa mga menor de edad.

Si Stenson ay natukoy batay sa CyberTipline Report mula sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC).

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *