Amerikanong wanted sa kasong child pornography, arestado ng Bureau of Immigration
Timbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang puganteng Amerikano na wanted sa kasong child pornography sa Minnesota, USA.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang banyaga na si Gary Jaime Dokulil, 40 anyos na naaresto sa tinutuluyan nito sa Clark Field, Pampanga.
May warrant of arrest na ipinalabas ang US District Court ng Minnesota laban kay Dokulil noong Enero dahil sa kasong child pornography
Una na ring kinansela ng US ang pasaporte ni Dokulil na dumating sa bansa noong Enero 11.
Nakapiit ito sa detention facility ng BI sa Taguig habang hinihintay ang summary deportation nito.
Ulat ni Moira Encina