Amihan at Tail end of a Frontal system, nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon
Walang namumuong sama ng panahon sa loob at labas ng bansa ang Pag-Asa DOST.
Ngayong araw, patuloy na nakakaapekto sa Silangang bahagi ng Luzon ay ang Tail-end of a Frontal system.
Habang ang Amihan o Northeast Monsoon ay umaabot lamang sa Hilagang Luzon.
Pero dahil sa Amihan, makararanas ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands.
At dahil naman sa Tail end of a Frontal system ay maulpa na papawirin din ang mararanasan ng Cordillera region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley na may kalat-kala na pag-ulan at thunderstorms.
Ang nalalabing bahagi naman ng Luzon kasama ang Metro Manila ay maaliwalas na panahon ang iiral na may paminsang pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.