Amihan, mararanasan pa rin sa buong Luzon; Easterlies naman sa Visayas at Mindanao ngayong araw
Amihan o Northeast Monsoon pa rin ang umiiral sa buong Luzon ngayong araw.
Habang sa Visayas at Mindanao ay Easterlies ang iiral kaya asahan ang mga mahihinang pag-ulan dulot ng thunderstorms sa Eastern section ng Visayas at Mindanao.
Ayon sa Pag-Asa DOST, wala pa silang namomonitor na namumuong sama ng panahon o Low pressure area sa susunod na limang araw.
Ngayong araw din ay makararanas ang Northern Luzon ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng maaliwalas na panahon maliban na lamang sa mga isolated rainshowers.
Inaasahang papalo sa 23 to 32 degree celsius ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw.
Samantala, may nakataas na Gale warning sa Northern seaboard ng Northern Luzon at maging sa Eastern seaboard ng Visayas dahil sa maalon hanganggang sa napakaalong karagatan.
Ipinagbabawal ang paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat.
(Pag-Asa DOST)