AMLC nag-isyu ng freeze order laban sa mga pondo at ari-arian ng 16 terror groups
Ipinagutos ng Anti- Money Laundering Council (AMLC) ang agad na pag-freeze o pagpigil sa mga pondo at ari-arian ng 16 na grupo na tinukoy na terorista ng Anti- Terrorism Council (ATC).
Ang mga grupo ay kabilang sa National Democratic Front o NDF.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU);
- Katipunan ng mga Samahang Manggagawa (KASAMA) or Federation ofLabor Organizations;
- Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM) or National Association of Peasants;
- Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) or Patriotic Movement of New Women;
- Kabataang Makabayan (KM) or Patriotic Youth;
- Katipunan ng Gurong Makabayan (KAGUMA) or Association of Patriotic Teachers;
- Makabayang Samahan Pangkalusugan (MASAPA) or Patriotic Health Association;
- Liga ng Agham para sa Bayan (LAB) or League of Scientists for the People;
- Lupon ng Manananggol para sa Bayan (LUMABAN) or Committee of Lawyers for the People;
- Artista at Manunulat para sa Sambayanan (ARMAS) or Artists and Writers for the People;
- Makabayang Kawaning Pilipino (MKP) or Patriotic Government Employees;
- Revolutionary Organization of Overseas Filipinos and their Families (COMPATRIOTS);
- Christians for National Liberation (CNL);
- Cordillera People’s Democratic Front (CPDF);
- Moro Resistance and Liberation Organization (MRLO); at
- Revolutionary Organization of Lumads (ROL)
Sa abiso na pirmado ni AMLC Executive Director Mel Georgie Racela, sinabi na ang freeze order laban sa mga grupo ay kasunod ng designation ng ATC sa mga ito bilang terrorist organizations.
Kabilang sa sakop ng freeze order ang pondo at property na pag-aari o kinukontrol ng grupo kahit hindi konektado sa partikular na terrorist act, plot o threat.
Saklaw din ng freeze order ang property o funds ng mga tao o entities na kumakatawan sa mga terror groups.
Inatasan naman ng AMLC ang mga covered institutions at kinauukulang ahensya ng gobyerno na magsumite ng written return.
Nagbabala din ang AMLC na ang sinumang tao, pribadong kumpanya, GOCCs, ahensya ng pamahalaan at instrumentalities na makikipag-transaksyon sa mga ito ay papatawan ng parusa sa ilalim ng Terrorism Financing Prevention and Suppression law.
Moira Encina