Amnesty International, sinopla ng Malakanyang sa pakikielam sa umano’y kaso ng extra-judicial killing sa bansa
Iginiit ng Malakanyang na hindi kailangang manghimasok at tumulong ang Amnesty International sa mga biktima ng umanoy Extra Judicial Killings o EJK sa bansa.
Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dapat ipaubaya sa mga human rights activists ng Pilipinas ang kaso ng umanoy EJK.
Hinikayat din ni Paneloang mga biktima ng EJKs na magsampa ng kaso laban sa mga pulis na sinasabi nilang nasa likod ng drug war.
Ayon kay Panelo hindi dapat pinapalaki ang isyu sa pamamagitan ng media report bagkus ay dapat tulungan ng Commission on Human Rights o CHR ang mga biktima na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga pulis.
Nais ng Amnesty International na magsagawa ng imbestigasyon ang United Nations o hinggil sa libo-libong napapatay sa drug war ng Duterte government.
Hinamon naman ng Malakanyang ang Amnesty International na magpakita ng facts at kung sino-sino ang sinasabi nitong napatay sa War on Drugs.
Inihayag ni Panelo ang mga pulis na natukoy sa operasyon kung saan ay may napatay na mga biktima ay kinasuhan ng administratibo at criminal sa Korte.
Ulat ni Vic Somintac