Anemia, kapag pinabayaan maaaring maging sanhi ng Blood Transfusion – ayon sa eksperto
Kapag bumaba ang bilang ng red blood cells sa dugo ng tao, matatawag na siyang Anemic.
Ayon sa eksperto, ang kakulangan sa iron, isang uri ng mineral na makukuha sa pagkain ang isa sa mga pangunahing sanhi ng anemia.
Sabi pa ng mga eksperto, kapag palaging stressed at puyat ang isang tao, maaaring maranasan niya ang anemia.pagkalagas ng buhok,
Kabilang sa mga sintomas nito ay pamumutla ng balat, talukap ng mata, bibig at ang pamumuti ng mga kuko, :madalas at mabilis na panghihina at pagkahilo, pagkalagas ng buhok at hirap sa paghinga at mabilis na tibok ng puso.
Binibigyang- diin ng mga eksperto na kapag napabayaan ang anemia, maaaring lumala ang komplikasyon sa dugo at kailangang sumailalim sa blood transfusion ang isang pasyente.
Payo ng mga ekpserto upang maiwasan ang anemia, kumain ng sagana sa iron tulad ng itlog, berde at madadahong gulay at mainam din na uminom ng iron supplements upang mapanatili ang normal na bilang ng iron sa dugo.
Ulat ni Belle Surara