Ang dalawang uri ng Stroke na dapat bantayan – ayon sa mga eksperto
Iba’t-ibang uri ang stroke ang dapat bantayan ayon sa mga eksperto.
Ayon kay Dr. Ma. Cristina Macrohon Valdez, Board of Trustees ng Stroke Society of the Philippines na kabilang dito ang tinatawag na Ischemic Stroke.
Ito ang dugo na nabuo sa utak ng tao na dahilan ng pagbaba ng daloy ng dugo sa utak.
Ang isa pang uri ng stroke ay ang Hemorrhagic Stroke na 30 porsiyento na mapanganib at maaaring maging sanhi ng kamatayan ng pasyente.
Ito ang stroke kung saan ang blood vessel sa utak ay pumutok o ang tinatawag na Aneurysm.
Ipinaliwanag naman ni Dr. Bong Casis, isang Surgeon at Chair on Sub Committee on Media Liaison ng Philippine College of Surgeon, na ang nabanggit na uri ng sakit ay sanhi ng kakulangan ng dugo na dumadaloy sa utak, nawawala ang oxygen hanggang sa magkaroon ng damage sa utak.
Binibigyang – diin ng dalawang doktor na nabanggit na napakahalagang madala ang pasyenteng na stroke sa pinakamalapit na ospital sa loob ng tatlo hanggang limang minuto dahil malaki ang tsansa na siya ay maka-survive.
Ulat ni Belle Surara