Ang dapat gawin kapag na-heat stroke ang iyong alagang aso
Kapitbahay, hello!
Palibhasa ang ating mga alagang hayop, pusa man o aso ay bahagi na ng ating pamilya, kaya ito ang ibabahagi ko sa inyo today .
Tulad din natin na hindi tayo mapalagay kapag mainit, naku, ganundin ang ating mga alagang aso.
Pero, alam po ba ninyo na iba ang pagdama ng isang tao kaysa sa hayop.
Ito ang ipinaalala ni Doc Jomar Castro, isang Veterinarian .
Ang sabi ni Vet Jomar, makapal ang buhok ng mga aso at may mga breed pa o lahi na double coated o mas makapal ang balahibo kaysa iba.
Pangalawa, walang sweat glands .
Kung ang tao kapag naiinitan at nagpapawis ay maraming puwedeng gawin para malamigan , pero ang aso aya walang sweat glands.
Ang sweat glands ng aso ay nasa paa at ilong kung kaya hindi nare-regulate ang init na nararamdaman .
Kung kaya mas doble ang nararamdamang init dahil sa kapal ng buhok at walang sweat glands kaya hindi malabo na makaranas ng heatstroke .
Dagdag pa ni Vet Jomar, hindi lang tao ang nakararanas ng heatstroke pati hayop .
At kapag nangyari ito sa hayop, puwedeng magka -hyperthermia o tumataas ang temperature ng katawan ng aso.
Kapag lumagpas pala sa 39.4 ang temperature ng aso, malapit na itong ma-heatstroke.
Maaaring itinatanong ninyo ngayon ay kung ano ang nangyayari kapag na -heatstroke ang aso? Hinihimatay. Nagiging restless, o hindi mapakali.
Excessive ang paglalaway at ang paghinga ay nakalabas ang dila.
Eto pa ang sabi ni Doc Jomar, kapag sinilip ang gilagid, namumuti.
Ibig sabihin nito, dehydrated ang aso.
Kasunod ng pagkahilo, panginginig hanggang sa mawalan ng malay.
At kapag severe ang pangyayari at napakinit na at mataas ang temperature ng katawan ng aso, puwede nang sabihing “emergency case’ na, at hindi na mareremedyuhan.
Sabi pa ni Vet Jomar, kapag hindi nadala sa beterinaryo ang aso at hindi naibaba ang temperatura, may posibilidad na mamatay.
Dahil dito, nagbigay si Vet Jomar ng ilang tips at paalala….
Nangyayari ang heatstroke kapag iniwan ang aso sa kotse o sa garahe.
Ang dapat ay alisin ang aso sa lugar na mainit.
Ngayon, kapag dinala sa lugar na malamig, makatutulong kung itatapat sa electric fan o mas mainam naka-aircon.
Subalit, sabi ni Vet Jomar, dapat ay gradual o dahan -dahan lang ang pagbaba ng temperature ng katawan ng aso.
Kapag binigla, baka mas mapasama pa. “yung iba na ang ginagawa ay binubuhusan ng tubig ang aso, hindi dapat.
Kailangan ay hindi binibigla, gradual lamang .
At panghuli sabi ni Vet Jomar, ang best na gawin ay kumuha ng tuwalya at basain ng malamig na tubig at saka ibalot sa katawan ng aso.
Ngayon ay alam na natin ang dapat na gawin mga kapitbahay kapag naiinitan ang ating mga alagang aso .
Until next time, ito pa rin si Julie Fernando, ang inyong kapitbahay !