Ang Gen-Z na Embalsamador

Kayo ba ay matapang?

Matatag o matibay ang loob?

Kung Oo?

Weh, hindi nga?
Kaya ninyo kayang tapatan ang tapang ni Bong?

Si Bong na laging may malay kapag kaharap ay bangkay.

Sa pagkakataong ito may kakatwa tayong ibabahagi para sa inyo, bukod pa sa maliwanagan tayo tungkol sa kanyang hanapbuhay.

Nakakuwentuhan natin si Ferdinand ‘Bong’ Malgapo Jr., sa edad na 25, halos limang na taon na siyang nagtratrabaho bilang embalsamador.

Napunta siya sa ganitong hanapbuhay dahil nakamulatan na niya ito sa murang edad.

Magmula sa kanyang lolo na embalsamador hanggang sa kanyang tiyuhin ay ito ang naging hanapbuhay.

Naisip niyang ibahagi sa kanyang vlogg ang kanyang hanapbuhay para i-angat ang kamalayan at maalis ang mga maling akala patungkol sa pag-eembalsamo.

Paliwanag ni Bong ang ‘embalming’ ay iba sa ‘mummification’ iba ang paraan ng mummification para mapreserve ang bangkay.

Ang embalming ay kinakargahan ng formalin ang ugat, nagsisilbing pinaka-asin upang mapreserve ang katawan ng patay.

Depende sa katawan at dahilang ng pagkamatay ng tao.

Kung payat o mataba.

Karaniwang tumatagal ng 3-4 na oras ang pag-embalsamo kapag payat dahil madaling pumasok ang formalin sa katawan.

Kapag isinasagawa ang pag-eembalsamo iniingatan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng gloves, apron o lab gown.

Wala ding pinipiling oras ang kanilang trabaho. Ang punerarya ay 24 oras.

Image by kalhh from Pixabay


Ilan sa hindi niya malilimutang karanasan ay may araw na umaabot sa 9 na patay ang kanilang sinerbisyuhan.

Mayroon din insidente na may patay silang kinuha sa morgue ng ospitalhabang kinukuha nila at ililipat sa stretcher ay bigla itong naubo na parang nasamid.

Agad nila itong ipinaalam sa ospital.

Ang resulta nabuhay ang taong iyon at ilang taon ding nabuhay pa.

Ang isa pa sa hindi niya malilimutan ay siya mismo ang mag-embalsamo sa taong nagturo sa kanya ng pag-eembalsamo.

Malaking hamon para sa kanya ang pag-aayos at pagmamake-up.

Laging nasa isip niya kapag nasa harap niya ang bangkay ay huwag mahirapan.

Siyang bahala sa pagpapaganda sa mga ito.

Nilinaw niya na hindi naman mahirap pag-aaralan ang embalming.

Bagamat involve ang human anatomy, kahalintulad ito ng isang vocational course na maaaring matapos pag-aralan sa loob ng dalawang buwan.

May apat itong bahagi; unang bahagi o buwan ay pag-aaral mula sa libro, sa ikalawang buwan ay pag-aaralan ang patay, ikatlo, paghahanda sa written exam at panghuli ay actual na exam sa bangkay o demonstration exam.

Dagdag kaalaman lamang po ukol sa embalming.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *