Ang kinalaman ng hypertension sa oral health

Alam n’yo ba na sobrang malaki ang kinalaman ng hypertension sa oral health?

Ngayong pandemya mas lalong dumami ang mga tumaasang presyon ng dugo.

Of course, dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Ano nga ba ang kuneksiyon ng ngipin sa hypertension?

Ang mga taong ‘stressed’ ay nanggigigil, laging ang ngipin ay naka-compress.

So, kapag ang ngipin ay nanggigigil, laging naka-kagat.

Hindi alam na habang natutulog nakagigil, kahit habang may ginagawa ay hindi namamalayan na nakagigil.

Dahil dito, apektado ang blood pressure.

Ang daloy ng dugo papunta sa ulo at papunta sa puso ay napipigil.

Simple lang hindi ba?

Ito ang dahilan kaya maraming na-stress lalo na nang magkapandemya.

Kaya ang advise ko para hindi tumaas ang blood pressure ninyo lalo na’t stressed kayo, ang mga ngipin ay hindi dapat na pinagdidikit.


‘Yung upper and lower teeth hindi dapat na magkadikit.

Once na pinagdikit ang mga ito, ang mga ugat natin ang naiipit.

Para lalong maintindihan, halimbawa, sa kamay na lang, kapag pinagdikit o nagkuyom ka ng kamay makikita mo ang pressure ng dugo ay medyo malakas.

Tandaan na ang mga ugat sa ulo ay puwedeng mag-burst dahil sa sobrang gigil ng mga ngipin.

Ang importante ay matutuhan natin ang ‘relaxed position’.

Kapag nakarelax, ang mga ngipin ay hindi nagdidikit at sarado ang bibig.


Ito po ang gawin ninyo, bakit?

Malaki po ang maitutulong nito para hindi naiipit ang mga ugat sa ulo.

Sa labas ay nakasara ang bibig subalit sa loob, teeth are apart o may distance.

Ang purpose ng ngipin ay para maging gilingan ng ating mga kinakain o gilingan ng pagkain.

Kaya kapag naka-pressed palagi, ano ang puwedeng mangyari sa nerves sa ulo?

Naiipit po.

Kaya dapat laging may decompression. Laughter is the best medicine, when teeth are apart, nakarelax position, maganda ang daloy ng dugo, maaayos din ang paghinga.

Alam n’yo makatutulong din na ilagay ang dila sa ngalangala para bumaba ang mataas na presyon ng dugo.

Subukan po ninyo!

Please follow and like us: