Ang paint brush ay hindi para sa preparasyon ng pagkain

Mga kapitbahay kumusta na? Kamakailan ay nakakuwentuhan natin sa Radyo Agila ang tagapagsalita ng Ban Toxics na si Mr. Thony Dizon.

Binigyang-diin niya sa ating programa na mali na gumamit ng paint brush sa preparasyon ng pagkain, o sa pag-iihaw. Kayo po ba, gumagamit din ng paint brush sa paglalagay ng sauce sa inihaw na karne o isda?

Ang sabi ni Mr. Thony, peligroso kapag paint brush ang gamit sa food preparations na karaniwang nakikita sa mga nagbebenta ng street foods. Bakit? dahil taglay na lead, isang uri ng kemikal kung inyong pagmamasdan o ooberbahan, ang handle ng paint brush ay nababakbak na ang paint coating na may lead, hindi ba sa iniihaw?

Tandaan natin na ang paint brush ay ginawa para sa construction at hindi para gamitin sa paghahanda ng pagkain o sa pag-iihaw sabi ni Mr. Thony. Kaya lang talagang nakalulungkot na marami pa ring gumagamit ng paint brush sa pag-iihaw.

Courtesy: BAN Toxics FB page

Ayon sa World Health Organization, may tatlong paraan ng exposure sa lead at ito ay through inhilation, ingestion, and dermal absorption. Ang lead ay napakadelikado lalo pa nga’t ang pangunahing inaatake nito ay utak. Ang lead poisoning ang pangunahing panganib sa kapaligiran ngayon para sa mga bata. Bata o matanda ay maaring maapektuhan ng internal organs o magkakaroon ng kidney damage.


Alam ba ninyo sa Estados Unidos, lumabas ang isang report na mahigit sa 890 thousand na bata mula isa hanggang limang taon ay may mataas na antas na lead sa kanilang katawan?


Pambihira naman, marami pa naman sa atin ang may gusto ang inihaw na isda o barbecue, hindi po ba mga kapitbahay? Ang sabi ni Mr. Thony hindi namantayo binabawalan na mag-ihaw, ang paalala ay huwag gumamit ng paint brush.

Ano ang puwedeng ipamalit? Gamitin natin ang biodegradable at environment friendly gaya ng tanglad, dahon ng saging, pandan at marami pang iba.

Kaya nga sa susunod na mag-iihaw tayo, huwag na tayong gumamit ng paint brush mga kapitbahay para sa kapakanan ng lahat. Siyanga pala, kung gusto ninyong mapanuod ang kabuuan ng ating interview kay Mr. Thony Dizon ng Ban Toxics, punta kayo sa You Tube sa May 18 episode. Hanggang sa susunod, mga kapitbahay!


Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *