“Ang Panahon ng Halimaw”, wagi ng Top prize sa Cartagena Film festival sa Colombia

Panalo ng top prize ang Filipino film na “Ang Panahon ng Halimaw” ni Lav Diaz sa Gems section ng 58th Festival International de Cinecargatena de Indias na isinagawa sa Colombia.

Tinalo ng Pinoy film ang pelikulang “BMJ” ng France, “The day after” ng South Korea at “The Florida project” ng Amerika.

Una nang inilarawan ng Cartagena festival ang Pinoy film na highly compliance piece.

Ayon naman sa producer ng pelikula na si Bianca Balbuena, “Ang Panahon ng Halimaw” ay ipalalabas din sa Vilnius film festival sa Lithuania sa March 29  at sa Asian Premiere sa Hongkong International film festival sa susunod na buwan.

 

================

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *